Lucena City Christmas Bazaar 2012

Mga tao na naglilibot sa venue ng bazaar hindi lang para mamili kundi para mamasyal na rin.

Ilang araw na lang at Pasko na talaga. Siguro ang ilan sa inyo ay nakapamili na ng mga ire-regalo sa mga kamag-anak, kaibigan, boyfriend, girlfriend, o pwedeng sa inyo ring mga sarili para sa darating na Christmas, pero kung hindi pa kayo nagkakaroon ng sapat na oras o pera para gawin iyon tulad namin (ahem), ito na ang pagkakataon niyo para i-cross out ang laman ng mga wish lists niyo.

Matatagpuan sa Perez Park sa may Provincial Capitol, ang bazaar na binuo ng Provincial Government of Quezon ay nagtatampok ng iba’t-ibang produkto ng mga taga-Lucena at mga karatig-bayan. Ilan sa mga produktong ibinebenta dito ay organic veggies, wellness products, organic soaps, handicrafts, religious items, fashion clothing and accessories, beauty products, at gifts and souvenir items.

Maliban sa mga produktong nabanggit, nagkalat din ang iba’t-ibang food stalls na sa hitsura at amoy pa lang ay siguradong gugutumin ka na. Idagdag pang affordable ang presyo ng mga pagkain kaya pasok sa budget ng barkada at ng pamilya.

Hanggang ngayon na lang ito kaya kung may oras ka, isama mo na lahat nang gusto mong isama at sama-sama nating i-enjoy ang espesyal na okasyong ito.

Kita-kits!

Author: Lucenahin

is an online magazine dedicated to everything Lucenahin. Browse our collection of articles and learn more about people, places, events, and interests in Lucena City.

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares