Lucenahins Ask: Bakit Big Deal ang Pagiging Single Tuwing Pasko?

Tampulan ng tukso at bida sa kwentuhan —  heto na naman sila, ang mga kaibigan nating eksperto na raw sa larangan ng pag-ibig.  Bakit single ka pa din? Bakit hindi mo pa pinapalitan iyong relationship status mo sa Facebook? Bakit kasama ka pa rin sa SMP (Samahan ng Malalamig Ang Pasko)? Bakit wala kang “dating picture” sa Instagram? Bakit wala kang boyfriend/girlfriend, ka-loveteam o ka-couple? Magpa-pasko pa naman dapat in love ka! Ilan lamang ito sa mga tanong na madalas itanong sa mga single na tulad ko sa tuwing sasapit ang Pasko.

Minsan medyo nakakainis nang sagutin at ipaliwanag ang sarili sa mga taong paulit-ulit lang ang mga tanong.

Sa pagkakaalam ko, tuwing Valentine’s Day lang naman dapat big deal ang romance. Iyon iyong time para sa roses, chocolates, stuffed toy, couple shirt at kung anu-ano pang pinaghuhugutan ng “kilig factor.”

Di ba nga’t ang highlight ng Pasko ay ang kaliwa’t-kanan na handaan, sunod-sunod na reunions at walang katapusang kasayahan? Kung iisiping mabuti, magkaiba naman talaga ang dalawang okasyong ito.

Kaya ang tanong ko, bakit nga ba big deal ang pagiging single tuwing Pasko? Narito ang ilan sa mga maaaring paliwanag tungkol dyan ayon sa mga Lucenahin na aming naka-kuwentuhan:

Photo showing a single man on Christmas Day

Family Reunion – Ang pagdiriwang ng Pasko ay sinasabing panahon ng muling pagsasama-sama ng magkakamag-anak na bihira lamang magkita-kita sa isang taon. Dahil dito nagiging sentro ng usapan at biruan ang mga single na walang kasamang boyfriend o girlfriend na ipinapakilala sa kani-kanilang pamilya.

Simbang Gabi – Nakaugalian na ng mga Pinoy na sa tuwing sasapit ang Pasko ay uma-attend tayo ng Misa de Gallo kasama ang buong pamilya, mga kaibigan o kaya naman ang ating mga partner. Sa isang mataong simabahan na karaniwan nang puno ng mga couple na matamis na nagngingitian at nagbabatian pagkatapos nang misa, hindi maiiwasan ng mga single na makaramdam ng pagiging “out of place.”

Holiday Shopping – Isa sa pinakamasayang gawin tuwing Pasko ay ang mag-shopping.  Pagpasok pa lamang ng BER Months ay bagsak-presyo na ang mga paboritong damit, sapatos at kung anu-ano pang mga produkto na kinagigiliwan nang lahat lalo na ng couples. Kaya naman sa tuwing namimili ang mga single na tulad natin sa mall, madalas tayong mabiro ng mga saleslady o salesman kung bakit tayo nag-iisa at walang kasama sa paghahanap ng magandang pang-regalo.

Movie Date – Sino bang hindi makakapansin sa haba ng pila sa mga mall tuwing Pasko? Marahil naging tradisyon na nga nating mga Pinoy ang manuod ng pelikula tuwing Pasko. Sa panahong ito lang kasi ipinapalabas ang inaabangan ng lahat na mga Rom-Com movie na nagpapakilig sa atin lalo na sa mga couple. Bilang single, madalas tayong matukso ng mga kasama natin sa panunuod na maghanap ng pag-ibig dahil sa mga love team sa movies.

Exchange Gifts – We all know that Christmas is the season of sharing. Sino ba naman ang ayaw makatanggap ng regalo, di ba? Sa mga single na kagaya ko, masaya na tayong makatanggap ng regalo galing sa pamilya o kaibigan natin tuwing Pasko.  Pero para sa mga may ka-partner, iba raw ang saya at feeling ng makatanggap ng regalo galing sa kanilang minamahal. Bukod kasi sa time and effort, iba raw kasi ang appreciation na hatid nito.

Events – Mahilig tayong manuod ng mga Christmas event lalo na kung may lighting ceremony o fireworks display. “Best Night Ever!” Iyan ang madalas nating makitang caption sa Instagram accounts nila ng pictures nila while attending Christmas events. Para kasi sa kanila, ang araw ng Pasko ay isa sa mga pinakaimportanteng okasyon ng taon na dapat pinagsasaluhan ng isang couple. Pero since single tayo, pamilya o kaibigan ang kasama natin sa panonood ng makukulay na ilaw at fireworks sa ulap. Ang iba pa nga sa atin ay mas na-e-enjoy pa ang mag-solo habang busy sa pagkuha ng mga picture na ilalagay sa bago nating family albums.

Decorations – Isa sa mga pinagkakaabalahan natin tuwing Pasko ay ang pagsasabit ng iba’t-ibang dekorasyon sa ating tahanan, at dahil isang beses lamang ito sa isang taon, masayang family bonding ito lalo na sa mga couple na gustong mag-spend ng quality time together na hindi nararanasan ng mga single.

Getaway – The perfect season to unwind and have your best selfie is on Christmas Day! Marami sa atin ang pumupunta sa malalayong lugar dito sa Pilipinas para lamang mag-relax at i-enjoy ang araw ng Pasko. Ang ilan pa nga ay bumibisita pa sa ibang bansa. Sa ganitong pagkakataon, masaya raw makasama ang iyong partner, dahil bukod sa new places, food, and adventures niyo together, iba daw ang experience na makasama ang iyong partner kumpara sa pagta-travel nang solo at single.

Christmas Songs – Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sa tuwing sasapit ang Pasko, dumarami din ang taong nagse-senti habang nakikinig ng radyo. Ganoon pa man, ito na siguro ang pinakasimpleng halimbawa kung bakit nagiging big deal ang maging single sa araw ng Pasko. Ang mga Christmas song kasi ay nagpapaalala sa mga single na mas masayang ipagdiwang ang okasyong ito ng may kasamang minamahal.

Itong mga ito naman ay ilan lang sa mga naisip naming dahilan. Syempre, iba’t-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa mga relasyon at kapaskuhan. Kung kayo ang tatanungin, sa palagay niyo ba big deal ang maging single kapag Pasko? Bakit?

 

 

Author: Sebastian Reynoso

, aspiring multimedia artist, inspired by the awesome world of MMORPG gaming and Post-hardcore / Indie / New Wave music. Self-taught and still learning. I’m looking forward to make my own digital illustration for apparels and meet rad artists someday.

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares