Salitang Lucenahin: A guide to Lucena City’s Local Lingo

Open Dictionary
Photo by: Horia Varlan

The Philippines is known for having plenty of dialects, and Tagalog is just one of those; however, a lot of people probably doesn’t know that even Tagalog which is already a distinct dialect of its own also has many different local versions.

Here in Lucena, there are plenty of Tagalog words that would be easily recognizable to us Lucenahins, but may sound like words from an alien language to other Tagalog speakers.

We compiled some of these Tagalog words for this post, so if you know someone who just can’t relate to you and your Lucenahin relatives’ conversations or you just missed hearing or reading about these good old Tagalog words, this one’s for you.

abuhan – patungan ng kalan

Laging malinis ang abuhan nina Aling Nena.

abyad (settle/take care of) – lakad o asikaso
Naabyad mo na ba iyong pinagawawa ko sa iyo? 

adyo (climb) – akyat

Umadyo kayo nang hindi nagsisikip diyan sa baba.

agipo (ember) – (a) labi ng  kahoy na iginatong, (b)panggatong na nagkabaga

Buhusan mo ng tubig ang agipo nang hindi makapaso.

agoy-oy – kahoy sa ilog.

Namumulot ang mga bata ng agoy-oy.

akit (invite) – yaya

Akitin mo na sila na kumain. 

alburoto (tantrum) – nagalit, nagwala

Nag-alburoto ang bata dahil hindi siya ibinili ng kanyang nanay ng bagong laruan.

alibadbad (sickness, queasiness) – masamang pakiramdam na may kasamang pagduduwal.

Naaalibadbadan ang guro sa madungis na bata.

alis-is (slight fever) – sinat o bahagyang lagnat.

May alis-is ang bata kaya iyakin.

almohadon (cushion) – unang binabalutan ng tela na kinapapalooban ng bulak o foam.

Inaayos ni Ana ang mga unan sa almohadon tuwing umaga.

aluyan (hammock) – duyan

May aluyan sa ilalim ng punong mangga.

amama (grandfather) – lolo

Ang amama ni Lito ay pitumpung taong gulang na.

anayo (cursed) – nagalaw ng mga lamang lupa

Huwag kang magtuturo sa kung anu-ano at baka maanayo ka.

anwang (carabao) – kalabaw

Mahalaga sa pagsasaka ang anwang.

apaw (mute) – pipi, hindi makapagsalita

Hindi tumutugon ang batang kinakausap dahil siya pala ay apaw.

apuyan (match) – posporo

Huwag mong pabayaang paglaruan ng bata ang apuyan.

arado (plow) – araro

Ang arado ay ginagamit sa pagbubungkal ng tubigan/lupa.

ariya (in a haste, in a hurry) – madali, nagmamadali

Ariya ka nang ariya pero hindi ka kumikilos.

asuhan – bubungan ng abuhan

Ugali na sa bukid na ibitin ang bawang sa asuhan upang hindi mabulok.

ayuoy (cry, wail) – daing, hinagpis

Dahil sa tinamong sugat, si Mario ay napa-ayuoy sa sakit.

 

B

 

babag (fight) – away

Hindi dapat pumapatol sa babag ang mga bata.

babahan (handrail) – pasamano

Sa nayon, ang babahan ay ini-is-is upang pumuti.

bakid (basket) – katulad ng basket na walang tangkay ngunit higit na malaki

Ang magkatuwang na bakid na nakalagay sa likod ng kabayo ay puno ng prutas.

bag-as (short, diminutive) – pandak

Si Pedro ay bag-as kaya hindi siya pwedeng sumali sa basketball.

bagaybay (bunch of coconuts) – buwig ng niyog

Ang mga bagaybay ay inipon ni Mang Pedro.

bagtasin (trace, follow) – sundan, tawirin

Bagtasin mo ang daang ito at makikita mo ang hinahanap mong bahay.

bahog (food) – pakain sa baboy

Nabigyan mo na ba ng bahog ang baboy?

balinguyngoy (nosebleed) – pagdugo ng ilong

Ang balinguyngoy niAna ay hindi pa naampat.

baluyot (a kind of bag) – lalagyan ng palay

Isinisilid ng magsasaka ang palay sa baluyot.

bambang (canal, gutter) – kanal

Dapat laging malinis ang bambang upang hindi bumaha kapag umulan.

bang-aw (crazy) – sira-ulo, wala sa katinuan ng pag-iisip

Huwag mo nang patulan; alam mo na ngang bang-aw.

bangkito (small chair) – maliit na upuan na walang sandalan

Nakakangalay maupo sa bangkito dahil hindi makasandal.

bangko (bench) – mahabang upuan

Wala ka bang bangkong pwedeng maupuan diyan?

banggerahan (pantry) – paminggalan

Itinaob ni Nene sa banggerahan ang mga hinugasang pinggan.

bangi (grill) – ihaw

Mas masarap ang bangi na mais kaysa sa nilaga.

bangyaw (lantern, lamp) – tanglaw

Madilim sa labas kaya magdala ka ng bangyaw.

banglat (pigpen) – kulungan ng baboy

Laging malinis ang banglat nina mang Isko.

barino (angry, irritated) – inis, galit

Barino ang manager ng opisina dahil sa maling trabaho ng ilang kawani.

bastidor (mold) – hulmahan

Inilalagay sa bastidor ang telang buburdahan upang hindi ito kumulubot.

batya (basin)palanggana

Bihira na ang gumagamit ng batyang gawa sa lata.

baylihan (ball, dance) – sayawan

Usong-uso ang baylihan sa bukid kapag may kaarawan.

bayong (canvas bag) – malaking bag na yari sa buri.

Binubutasan ang bayong kapag nilalagyan ng manok upang makahinga ito.

bulaan (liar) – sinungaling

Hindi ka dapat magtiwala sa taong bulaan.

bulaw (piglet) – biik

Sampu ang bulaw ng inahing baboy nina Aling Choleng.

bulid (drop) – hulog

Ibulid mo na ang basura sa hukay.

bumbong (bamboo pole) – kawayang pang-igib

Ang bumbong ay karaniwang ginagamit sa pag-igib ng tubig ng mga tao sa bukid.

bunga  (betel nut)- nganga

Sa ngayon, mayroon pang ilang matatanda na ngumunguya ng bunga.

buntunan (place where things are placed in heaps or stack) – tambakan

Inilagay ng bata sa buntunan ang winalis na tuyong dahon.

busisi (crybaby) iyakin

Ang sanggol ni Maria ay busisi sa gabi.

buslog (braggart, boastful) – hambog

Buslog ang taong iyan kaya wag mong asahan na tutuparin niya ang kanyang mga pangako.

 

K

kabaak (partner, other pair) – kaparis

Nawawala ang kabaak ng aking tsinelas.

kaban (chest) – baul

Luma na ang kaban pero maganda pa rin.

kabog (fail) – bagsak

Kabog ang marka sa kanyang apat na asignatura.

kabyawan (a tool used for scraping coconut meat) – kayuran o kudkuran ng niyog

Mapurol na ang kabyawan kaya mahirap nang magkayod.

kakaunin (fetch, pick up) – susunduin

Kakaunin namin sa airport ang aming tiyahin bukas ng umaga.

kadlo (fetch water) – igib

Paubos na ang ating inumin kaya wag mong kalilumutang kumadlo ng tubig mamaya.

kalupi (wallet, coin purse) – pitaka

Mamahalin ang kalupi ng aking kaibigan.

kamisadentro (polo shirt) – polo, pang-itaas na kasuotan ng lalaki

Bago ang kamisadentro ng aking tatay.

kampit (knife) kutsilyo

Huwag mong ipapalaro ang kampit sa mga bata.

kampo santo (cemetery) – sementeryo

Hindi na masyadong nakakatakot ang mga kampo-santo ngayon kumpara noong araw.

kasilyas (toilet, restroom) – kubeta, banyo

Dapat laging malinis ang kasilyas para maiwasan ang sakit.

katre (bed) – kama

Yari sa bakal ang mga katre sa ospital.

kawa (large frying pan) – malaking kawali

Kailangan ang kawa para makapagluto ng tatlong kilong pancit bihon.

kawasa (because of) – dahil sa

Hindi na namin kasalanan iyon; kawasa hindi siya pumunta.

kilo (crooked) – hindi tuwid

Paano mo maiibaon ang pako kung kilo ito?

kwitib (ant) – langgam

Ang kwitib ay simbolo ng kasipagan.

 

D

dagim (cloud) – ulap

Ang dagim na nakikita mo ay nagbabadya ng ulan.

damak (get food) kumuha ng pagkain

Malayang dumamak ang lahat sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

danggil (push aside by accident) – tabig

Nabasag ang baso pagkatapos niyang madanggil.

dasig (move over) – usod, isod

Dasig ka nga diyan at hindi na ako makagalaw.

dawdaw (dip) – sawsaw

Huwag mong idawdaw sa tubig ang iyong kamay.

dayap (lemon) – lemon

Mabuti ang dayap na pangkuskos sa buhok.

dikin – (a stool used for pots) patungan ng palayok

Ipatong mo sa dikin ang palayok para hindi mabutas ang ilalim.

dulang (a long rectangular table) – lamesang mahaba

Nakaupo sa sahig ang pamilya habang kumakain sa dulang.

dulos (trowel) – instrumentong pantanggal ng damo sa lupa.

Mapurol na ang dulos kaya kailangan nang hasain.

 

E

eskaparate (shelf) – lalagyan ng mga plato at iba pang kagamitan

Ayusin mo sa eskaparate ang mga pinggan.

espirma (candle) – kandila

Maghanda kayo ng espirma dahil baka mawalan ng kuryente.

 

G

 

gagaud (will work) – magtatrabaho

Gagaud na naman si Mang Pedro upang maitaguyod ang kanyang mga anak.

gamay (used to) – sanay

Gamay na niya ang paggawa ng pulboron.

ginanga (steamed fish) – sinaing na isda

Masarap na kaulam ng sinangag ang ginanga.

gulok (bolo) – itak

Mag-ingat ka sa paghawak ng gulok dahil ito ay matalas.

guop (lid) – takip ng kaldero o anumang lutuan.

Nilagyan ni Aling Rosa ng guop ang kaldero upang mas mapabilis ang kanyang pagluluto.

gusi (canister) – malilit na tapayan

Nasaan ang gusi ng asukal?

guyabnan (handrail) hawakan sa hagdan

Turuan mo ang batang kumapit sa guyabnan upang hindi mahulog.

 

H

 

hahagutin (will spank, will hit with) – papaluin

Hahagutin ni Mang Pilo ng yantok ang makikialam sa kanyang tanim.

hahambo (will bathe) – maliligo

Hahambo sana siya pero wala palang tubig.

halabas (scythe) – kawit

Itinabi ni Mang Pilo ang pang-halabas matapos ang maghapong pagkawit ng niyog.

hambog (braggart) – mayabang

Ang hambog na pulitiko ay hindi dapat ihalal ng taumbayan.

hawong (bowl) – mangkok

Hindi kasya sa hawong ang sinigang na baboy.

hayon (distance travelled, distance covered) – narating

Malayo na ang narating ni Lita.

hayo (shoo) – salitang padamdam na ginagamit na pantaboy sa aso.

Bawal ang mga aso dito sa loob! Hayo!

hipa (crazy) – wala sa katinuan

Huwag kang maniwala diyan at iyan ay hipa.

hitad (flirt) – kiri, malandi

Napapagbintangang hitad si Maria dahil sa pagiging malapit niya sa mga lalaki.

 

I

ibalid (forget) – kalimutan

Ibalid mo na ang lahat nang nangyari.

inana (grandmother) – lola

Ang Inana ni Lucy ay maunawain.

ip-ip  (sip) – sipsip

Si Mang Julian ay panay ang ip-ip ng palamig habang nanonood ng telebisyon.

ipod/isod (move over) usog

Ipod ka ng konti para magkasya tayo.

isugba (throw in the fire) – ilagay sa apoy

Unti- unti mong isugba ang mga basura.

itiit (tiny mouse) – maliit na daga

Nagtakbuhan ang mga itiit sa ilalim ng mesa.

 

L

 

langis (cooking oil) – mantika

Bumili si Juan ng langis na gagamitin sa pagprito ng isda.

layak (dry leaf) – tuyong dahon

Nilinis ni Mang Damian ang mga layak sa kanilang bubungan.

lente (flashlight) – flashlight

Lagi siyang may baong lente para kung sakaling magkaroon ng blackout.

liko (crooked) – hindi tuwid

Tinuwid ni Mang Juan ang mga pakong liko upang magamit muli.

linang (remote area) – kabukiran, rural na lugar

Nagpupunta sa linang si Mang Berto araw-araw.

lino (left-over food used to feed animals) – tira-tirang pagkaing ginagamit na pakain sa baboy at iba pang hayop.

Nakolekta mo na ba ang mga lino ng kapit-bahay?

 

M

 

mabanas (hot) – mainit

Panay ang paypay ni Ana dahil mabanas.

maluto (boxed lunch) – baong pagkain

May dala siyang maluto kaya hindi siya sasama sa atin na kumain sa labas.

maghinaw (wash hands) – maghugas ng kamay

Huwag mong kalimutang maghinaw bago kumain.

maro (container) – galon

Nagdala siya ng maro ng tubig sa picnic.

marusing (dirty) – madumi

Masakit sa mata ang marusing na lugar.

masetera (flower pot) – paso

Ayusin mo ang mga masetera sa balkon.

masiba (glutton) – matakaw

Nakakahiya ang taong masiba.

matilos – (has a pointed end) –  matulis

Huwag mong paglaruan ang gunting. Matilos iyan, baka masugatan ka.

matumal (slow) – mabagal, mahina

Matumal ang negosyo kapag Mahal na Araw.

muskitero (mosquito net) – kulambo

Natutulog si Arnel sa loob ng muskitero para di makagat ng lamok.

mura (young coconut) – buko

Masarap ang sabaw ng mura.

 

N

 

nakakaumay (tiring, sickening) – nakakasawa

Nakakaumay ang pagkain pag malimit kainin.

nag-uuli (roving around, strolling) – naggagala, namamasyal

Nag-uuli daw si Ana sa Bayan kaya hindi namin siya inabutan sa kanilang bahay.

namamaysan (meeting the bride’s parents prior to the marriage) – namamanhikan

Kasulukuyang namamaysan si Ronnie sa kanyang magiging biyenan.

 

P

 

pahat (short) – pandak, kapos

Pahat ang kanyang mga magulang kaya pahat din siya. / Wala kang mahihita sa isang taong pahat sa pag-iisip.

palisan (sweep) – walisan

Palisan mo nga ang balkon at maalikabok.

palot – panghi

Mapalot na ang banyo kaya dapat nang linisin.

pamahid (rag) – basahan

Marumi na ang pamahid kaya dapat nang labahan.

panghiso (toothbrush) – sepilyo

Dapat magpalit ng panghiso tuwing ikalawang buwan.

papag (wooden bed) – higaang yari sa kawayan o ibang uri ng kahoy

Mas gusto ni Mang Tomas na matulog sa papag kaysa katreng may kutson.

paya /napayahan (harrassed, bullied) – napag-tripan, nakursunadahan

Napayahan ang istranghero ng mga lasing sa kanto.

pinaw (collect the laundry from the clothesline) kunin, kolektahin

Pinawin mo na ang mga sinampay at mukhang uulan.

pilapil (rice paddy) – daanan sa palayan

Madulas ang pilapil kapag tag-ulan.

pulpol (has a blunt edge) – hindi matulis

Pulpol na ang lapis ni Alicia.

puyod (tie) – itali

Puyudin mo ang buhok mo para hindi ka mainitan.

 

S

sagmaw (left-over foods used to feed animals) – kaning-baboy

Pinakain na ni kuya ng sagmaw ang mga baboy

salawal (shorts) -shorts

Mas maginhawang magsuot ng salawal kesa pantalon kapag mainit ang panahon.

sambalilo (sombrero) – sombrero

Matindi ang sikat ng araw kaya wag mong kalimutang magdala ng sambalilo.

sambot (catch) – salo

Siguraduhin mong masasambot mo ang ihahagis ko sa iyo, ha?

sikad (kick) – sipa

Isang malakas na sikad sa sikmura ang ibinigay niya sa kanyang kalaban.

sulib (the place under a table or bed) – ilalim

Walisan mo ang sulib ng lamesa.

 

T

 

taklob (cover) takip

Takluban mo ang pagkain para hindi dapuan ng langaw.

talusaling (ill-tempered, hot-headed) – mainitin ang ulo

Si Lucy ay talusaling kaya iilan ang kaniyang kaibigan.

tampipi (a type of luggage) – lalagyan ng mga damit

Mabigat ang dala niyang tampipi.

tapayan (jar) – banga

Pinuno niya ng tubig ang tapayan.

tindagan (skewer) – pantuhog

Yari sa kawayan ang tindagan.

tumbong (buttocks) – puwit

Masakit na ang tumbong niya dahil sa maghapong pag-upo.

 

U

 

uklab (peeled skin) – tuklap

Nagkaroon siya ng malaking uklab sa tuhod matapos siyang madapa.

uyo (coconut husk) – bunot na panggatong sa pagluluto

Namulot ang mga bata ng uyo sa niyugan.

 

Y

 

yakagin (invite) – yayain

Yakagin mo ang iyong kaibigan sa birthday ko.

yano (over, really, too much) – sobra

Yanong bait ng taong iyon.

yaon (leave) – alis

Maghanda ka na at yayaon na tayo.

 

Source:

Balagtas, A. O. (2002) Diksyunaryo ng mga Salitang Lucenahin. Lucena City.

Author: Lucenahin

is an online magazine dedicated to everything Lucenahin. Browse our collection of articles and learn more about people, places, events, and interests in Lucena City.

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares