Featured Lucenahin Myranil Villanea: Cook-off Eden Cheese Challenge

Kapag usapang pagluluto, madalas nating pagtalunan kung sino nga ba sa babae o lalaki ang mas magaling sa kusina. Pero kahit sino pa man ang piliin natin, ang mahalaga ay ang ipinapakitang passion sa pagluluto na pinatunayan ng isang Lucenahin sa pamamagitan ng pagsali niya sa isang Cooking Challenge.

Kung mahilig kayong manuod ng TV Commercials, sigurado akong napanood ninyo na si Myranil Villanea o mas kilala bilang si ‘Mommy Mai’ sa isang kilalang station. Kaya naman, masuwerte ang Lucenahin Team na mabigyan ng pagkakataon namakapanayam siya sa isang online interview.

 

Kailan po kayo nag-start magluto?Mai - EDITED copy

Cooking for me is a passion, so when I was younger, I used to watched my father and mother cook.

One time, I was entrusted to cook our “ulam,” then an unexpected visitor came. She liked what I had cooked and I was overwhelmed by her knowing that she is one of the Philippines’ finest chefs. Since then, nahilig na ako sa pagluluto.

In college, I took up BS Hotel and Restaurant Management at St. Anne College Lucena kung saan mas na-develop ko pa ang skill ko sa pagluluto.

Bukod po sa pagluluto, ano pa pong activities ang pinagkakaabalahan ninyo?

Maliban sa pagluluto, whenever I have free time, uma-attend ako sa Zumba sessions.

Meron din kaming maliit na tindahan ng almusal kung saan katulong ko ang nanay ko sa pagluluto.

Paano po kayo nakasali sa Cooking Show ng Eden?

Nagkaroon ng Cook-off Challenge ang Eden sa aming Barangay. Meron silang raffle box ng lahat ng mga pangalan ng nagluluto sa lugar. Luckily, isa ako sa tatlong nabunot to join the Cook-off Challenge and I was blessed dahil tinanghal akong champion.

Then I was surprised to learn na simultaneous pala yung activity ng EDEN kasi hindi ko siya ini-expect. Lahat ng nanalo sa Cook-off Challenge sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas ay nagsama- sama para sa isang Grand Cook-off Challenge which was held in Manila last October 2015.

During the Grand Cook-off, I did “Nilupak na Kamote” or “Sweet Mashed Cassava” dahil kilala tayong mga taga-Quezon na masarap magluto ng mga kakanin, and I was so proud to cook that dish as my masterpiece.

Unfortunately, hindi ako ang nanalo as overall champion, but I still I feel blessed and thankful to represent Quezon and having experienced such an amazing opportunity.

Kumusta po ang experience ninyo sa Cooking Show ng Eden?

Joining the Eden Cook-off is one of a kind experience. As what I’ve said, I was very blessed and thankful dahil hindi naman lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity, most especially ang chance to do a commercial sa isang prestigious station.

Ano pong advice ang maishe-share ninyo sa ibang mga Lucenahin na gusto ring ma- develop ang skills sa pagluluto?

When it comes to cooking, do not be afraid to experiment with something new. Hindi natin malalaman ang result kung hindi natin susubukan. “Just cook the way your family loves it.” 🙂

 

Author: Krissa Marie Paña

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares