Featured Lucenahin Jopeth Buñag: Winner of the All About Lucena On-the-Spot Drawing Contest

Larawan ni Jopeth Buñag habang tinatanggap ang certificate ng kanyang pagkakapanalo sa All About Lucena On-the-Spot Drawing Contest

Larawan ni Jopeth Buñag habang tinatanggap ang certificate ng kanyang pagkakapanalo sa All About Lucena On-the-Spot Drawing Contest

Kamakailan lang ay matagumpay na nairaos ang All About Lucena On-the-Spot Drawing Contest, at sa pagtatapos nito ay napunta ang pinakamataas na premyo kay Jopeth Buñag, Isang amateur artist mula sa Lopez, Quezon na paminsan-minsang dumadayo dito sa Lucena para dumalaw sa mga kamag-anak at maglibang. Dahil malayo pa ang kaniyang pinanggalingan, naisip namin siyang tanunging ng kaunti tungkol sa naganap na contest at sa kanyang mga pananaw tungkol sa Lucena. Nasa baba ang resulta ng aming maikling interview.

Matagal ka na bang nagdo-drawing? Maari mo bang ibahagi sa amin kung paano ka natutong gumuhit at kung paano mo nilinang o nilinang ang talento mo dito?

Opo, Natuto po akong gumuhit noong mga 3-years old pa lang ako kasi akala ko po kapag nai-drawing ko po ang isang character, mabubuhay sila. Iyon po pala ay hindi. -_- .

Saan ka madalas kumuha ng inspirasyon kapag gumuguhit?

Sa maraming bagay po, pero madalas sa mga experience at sa kasalukuyang emotional state.

Ikaw ang napiling First Prize winner para sa katatapos na All About Lucena On-the-Spot Drawing Contest. Pwede mo bang ipaliwanag sa amin kung ano ang konsepto sa likod ng drawing na napili mong gawin?

Dun po sa aking iginuhit, mapapansin ninyo po na ang simbahan ang nasa kaitaasan dahil ang Diyos ang nilalang na dapat mas mataas ang posiyon sa lahat ng bagay. Ang nasa gitna naman po ay isang babaeng may dalang niyog, sumisimbolo po ito sa pamosong Niyug-niyogan Festival. Isinama ko naman po ang kalsada na sumisimbolo sa mga pagbiyahe namin sa Lucena na sulit naman dahil sa isang itong magandang lugar.

Pinili mo ang “Most Unforgettable Memories of Lucena” bilang tema ng iyong drawing, okay lang ba kung ibabahagi mo sa amin ang pinaka-hindi mo malilimutang alaala tungkol sa Lucena?

Actually, may mga pinsan po akong tumira sa Lucena, at noong unang bisita ko noong mga 8 years old pa lang po ako ,dinala nila ako sa SM. Pauli-uli po kami doon – kumakain, bumibili ng kung anu-ano. Napakasaya po ng mga araw na iyon lalo pa at kasama ko ang mga pinsan ko.

Napag-alaman namin na, taga-Lopez, Quezon ka. Maari ba naming malaman kung sino o anong mga tao, lugar, o kaganapan ang paborito mong puntahan pag napapadaan ka sa Lucena?

Siyempre ang SM po. Marami po kasi akong magagandang alaala sa lugar na iyon.

Kung may mga tao, lugar, o bagay na kasalukuyan pang wala sa Lucena na gusto mong makita dito sa hinaharap, anu-ano ang mga iyon?

Isa pong malaking art museum para sa lahat ng mga taong mahilig sa iba’t-ibang uri ng sining kagaya ng pagguhit at iba pa.

Author: Lucenahin

is an online magazine dedicated to everything Lucenahin. Browse our collection of articles and learn more about people, places, events, and interests in Lucena City.

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares