9 Trends Noong 2015 na Malamang ay Sinubukan Ninyo Rin 

Another year has ended and a new one has already begun. We’ll probably in for another exciting roller coaster ride of an adventure this year, but before we move on to the awesome surprises that this year may bring, let’s have a rundown of last year’s social trends that you’ll surely gonna miss! 🙂

 

Makeup Transformation

One of the hottest trends of 2015 was the Makeup Transformation trend. Ito ay isang klase ng pagme-makeup kung saan kailangan mong magaya ang mukha ng isang sikat na artista o kilalang personalidad. Ang goal ng online craze na ito ay ang makapag-post ng photo ng before and after ng makeup procedure upang i-highlight ang malaking pagbabago sa hitsura ng dalawa.

2014_10_05_19_16_59

Ilan sa mga kilalang personalidad na ginaya ni Paolo Ballesteros sa kanyang Make Up Transformation Challenge”
Photo from GMA News Network

 

Dito sa Pilipinas, kilalang mahusay sa larangang ito ang actor, host, and Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros. Ilan sa mga makeup transformation na nagawa niya ay base sa mga kilalang artista na sina Marian Rivera-Dantes, Vic Sotto, Regine Velasquez-Alcasid, pati na rin ang mga sikat na singer from the United States na sina Ariana Grande, Katy Perry, at Taylor Swift.

Hugot Lines

Next is the Hugot Lines. Para sa mga taong ang status ay “in a relationship,” “it’s complicated,” “heartbroken” at marami pang iba, alam kong marami sa inyo ang makakarelate. Sino ba naman kasi ang makakalimot sa mga linya na tinawag na “Hugot Lines” — mga maiikling linya na talaga namang malalim ang pinaghuhugutan — na madalas nating marinig sa radio at mapanuod sa teleserye at mga pelikula?

A Second Chance

Na-Popoy o Na-Basha?
Photo from ABS-CBN.com

 

Ilan sa mga tumatak na Hugot Lines ay mula sa pelikulang “A Second Chance” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz o para sa mga masugid na sumabaybay sa kanilang love story — sina Popoy at Basha.

 

Hugot Bagyo

Isang sub-category ng “Hugot Lines” series na nauso last year, nandiyan din ang “Hugot Bagyo” na sumikat sa mga estudyante noong tag-bagyo. Sa panahon kasing ito madalas nating makita sa Facebook ang maraming estudyante, partikular ang mga nasa kolehiyo na magpost ng kanilang mga saloobin.

Ilan sa mga popular na Hugot Bagyo ay ang Yung bagyo nag-land fall na, Ikaw kaya kailan mapo-fall?” at ang pinakakinatuwaan ng lahat na “Kapag elementary, Signal No. 1, walang pasok; kapag high school, Signal No. 2, walang pasok; kapag college, Signal No. 3, may pasok. Anong akala niyo sa amin, waterproof?”

 

Hugot Heneral

Isa pa ring category ng Hugot Lines, nandyan din ang Hugot Heneral. Ito ang mga linyang pumatok galing sa sikat na pelikulang “Heneral Luna” kung saan muling binuhay ang natatanging kwento at kasaysayan ng bayaning Pinoy na si Heneral Antonio Luna.

Naging maingay ang mga linyang ito sa social media partikular sa Facebook at Twitter kung saan malalalim na pakahulugan sa ating kasaysayan ang ipinararating ng bawat mag-post. Ang mga halimbawa nito ay “Ang taong may damdamin ay hindi alipin” at “Wala na tayong panahon sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan.”

12002796_1651750491706347_1050969464865688277_n

Screencap from the movie Heneral Luna

 

If Philippine Heroes were on Social Media

Connected sa Hugot Heneral, “If Philippine heroes were on Social Media”o kilala din bilang “RP612Fic” ay isang trend na nauso last year bilang paggunita sa ika-117 na Independence Day ng Pilipinas.

Naglalaman ito ng iba’t-ibang edited photos ng ating mga bayani mula kay Dr. Jose Rizal at Apolinario Mabini hanggang kay Tandang Sora na may kasamang fictionalized quotes na nagre-relate sa relevant issues noong panahon ng Kastila at sa kasalukuyang panahon.

Sumikat ito sa marami, lalo’t-higit sa mga kabataan na naging creative and imaginative sa pag-a-upload ng kani-kanilang versions. Ika nga ni Maria Leonora Rivera, “Ako na lang… ako na lang ulit.”

Don’t Judge Me Challenge

Ang online craze na ito ay isang video fad kung saan ang mga participant ay inire-record ang sarili nila habang may suot na heavy makeup para “pasamain” ang hitsura nila tapos biglang magka-cut ang video sa isang kasunod na eksena kung saan wala na ang kanilang make-up at makikita na sa ilalim nito ay maganda o gwapo naman talaga sila. Ang layunin nito ay makatulong sa mga taong nakaka-experience ng low self-esteem at madalas na nabibiktima ng bullying kaya naman maraming Pinoy ang sumubok nito last 2015.

 

Isa sa mga popular na nagpauso ng online craze na ito sa ating bansa ay ang Showtime host and comedian na si Vice Ganda na umani ng maraming papuri, likes, and views.

Braids Trends

Moving on, syempre hindi mawawala ang trends tungkol sa fashion and style! Nauso din last year ang different braids. Ilan sa mga braid trends na pumatok sa mga kababaihan ay ang mga sumusunod; fishtail braid, classic plait, renaissance braid, wrap braid, side plait at halo braid.

Coloring Book for Adults

Kung ang mga bata ay may mga coloring book, last year nagkaroon din ng coloring book for adults na naging favorite pastime ng marami. Bukod kasi sa creative side nito, nakakatulong din ito to reduce stress and anxiety. Kinagiliwan ito ng mga kabataan and even those who are young at heart. Sa pamamagitan ng coloring cook, na-e-express ng bawat isa ang kanilang individuality.

Dubsmash

Finally, to complete our list ng mga nausong trends nitong 2015, we have  Dubsmash to round them up.

Ang Dubsmash ay isang mobile app na ginagamit upang gumawa ng mga video gamit ang mga sikat na linya sa mga palabas, pelikula, at mga kanta.

Ilan sa mga sumikat na Dubsmash videos noong 2015 ay ang videos ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub habang ginagaya ang mga linya nina Kris Aquino, Vilma Santos, at Maricel Soriano. Sa sobrang kasikatan ng mga ito, even by the end of 2015, marami pa ding humabol at nag-upload ng sarili nilang Dubsmash videos.

That’s it guys, our list of 9 trends na nauso nitong 2015! Umamin kayo, alin-alin sa mga ito ang sinubukan ninyo? Feel free to share it with your friends and let’s compare. 🙂

Author: Sheila

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares