5 Local Food That Should be on Every Lucenahin’s Table on Christmas

Six days to Christmas!

We are all busy preparing for our Noche Buena, but what do Lucenahins usually eat when we’re home on Christmas Day?

Apart from our Noche Buena leftovers, here are 5 local food that we can eat and serve:

Ensaladang Pako na may kasamang itlog at kamatis. Photo by currystrumpet


Ensaladang Pako na may kasamang itlog at kamatis. Photo by currystrumpet

1. Ensaladang Pako – Para sa mga mahihilig sa vegetable salad, ang ensaladang pako ay isang mas mura pero masarap na pamalit sa mga vegetable salad na nakasanayan nang ihain nang karamihan. Depende sa indibidwal na panlasa, maaari itong kainin nang walang ibang sangkap maliban sa kaunting asin o suka; maaari din naman itong kainin na may kahalong kamatis, itlog, sibuyas, at iba pang pampalasa.

 

 

 

 

2. Yema Cake – Isa sa mga pinakasikat na pagkain mula sa Quezon nitong mga nakalipas na taon, ang Yema cake ay hindi lang tampok na pagkain sa mga handaan kundi paborito ding i-request bilang pasalubong ng mga taga-ibang lugar sa mga kakilala nilang taga-Quezon. Gawa sa pinaghalu-halong butter, keso, itlog, condensed milk, at iba pa, may katakataka pa ba kung patok ito sa panlasa ng maraming mga Pinoy na may natural na pagkahilig sa mga matatamis?

 

Staff ng Lucenahin.com.ph na nagsasalo sa Yema Cake at Sinukmani. Ang mahuli sa lamesa, mauubusan. :D

3. Sinukmani – Gawa sa malagkit na bigas, gata, at brown na asukal, ang sinukmani ay isa sa mga pinakasikat na local delicacies sa Quezon. Kung dito kayo lumaki at nagkaisip, malamang sa hindi ay iilang beses itong naging bahagi ng inyong mga hapag-kainan. Paano ba naman hindi, eh bukod sa masarap na ito, sa bigat pa nito pagdating sa tiyan, siguradong mabubusog ka talaga!

2871572859_21fcc36b2c_b

Pancit Habhab na may toppings na itlog ng pugo. Sarap!
Photo by Shubert Ciencia

4. Pancit Habhab or Chami – Pangpahaba daw ang pansit ng buhay kaya hindi ito pwedeng mawala sa mga handaan, at kung pansit din lang naman ang pag-uusapan, may dalawang masasarap na pansit tayong mga Quezon na talaga namang ating maipagmamalaki — ang Pancit Habhab at Chami. Parehas na gawa sa pansit na hinaluan ng iba’t-ibang gulay, ang isa ay masarap na papakin pagkatapos lagyan ng suka samantalang ang manamis-namis anghang naman na sarsa ng isa ay masarap na kapares ng tinapay.

 

 

4801970304_2a9b175f83_b


Longganisang Lucban na inihain sa dahon ng saging. Photo by Alfonso Venzuela

5. Longganisang Lucban – Kung nauumay na kayo sa puro matatamis, oras na para maglabas ng plato ng Longganisang Lucban. Sa pinaghalong alat at asim ng ulam na ito, siguradong tanggal ang umay ninyo.

Iyan ang 5 local delicacies na nasa aming “must have” list ngayong darating na Pasko.

Kayo, may maidadagdag pa ba kayo?

Share, share!

^_^

Author: Lucenahin

is an online magazine dedicated to everything Lucenahin. Browse our collection of articles and learn more about people, places, events, and interests in Lucena City.

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares