Sampung Larong Pinoy

“Bato-bato pick! Bato-bato pick! Maiba’y TAYA! Talo ka! Ikaw ang taya! Game na”.  Ito ang madalas nating marinig sa mga bata noon na masayang naglalaro sa kanilang mga bakuran, nagtatawanan, naghahabulan at walang pagsidlan ang mga ngiti. Buhay na buhay ang kamusmusan at tila ba kanila ang mundo at walang mga problema.

Dito sa Lucena, nakakatuwang pagmasdan ang mga batang nilalaro pa rin ang mga larong Pinoy sa kabila ng mabilis na modernisasyon. Naaala niyo pa ba ang mga ito? Halika’t ating muling balikan ang isa sa pinakamasasayang alaala ng ating  kabataan!

Bahay-bahayan – Sa larong ito, nagsisilbing nanay, tatay, ate, kuya at bunso ang bawat batang kasali sa laro. Bumubuo sila ng munting tahanan. Nagluluto-lutuan sila gamit ang laruang ”kitchen utensils” at sabay-sabay na kumakain. Sa murang edad, natutunan ng mga bata ang kuhulugan ng isang pamilya at ang mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging bahagi nito.

Piko (Hopscotch) – Gamit ang creativity at imagination, gumuguhit ang mga bata ng isang box o tinatawag nilang base gamit ang chalk. Ang bawat kalahok ay may “cue ball” o “pamato” na ihinahagis sa base. Upang manalo, dapat maabot ng bawat kalahok ang pinakamalayong narating ng naunang naglaro.

Piko

Teks o Pogs – Ang “teks” o “Pogs” ay may makukulay na drawing at characters na may kanya-kanyang stages at powers. Simple lamang ang mechanics ng game. Kailangan lang na mangolekta ng iba’t-ibang character ng Teks o Pogs na ipanglalaban. Ang siyang maswerteng mananalo sa bawat stages ng laro ay makukuha ang teks o Pogs ng kanilang kalaban. Dito marahil nagsimula ang pagkahilig nating mga Pinoy, lalo’t higit ng mga toy collector sa mga cartoon and anime characters dahil maihahalintulad din ito sa “Pokemon” at “Yu-Gi-Oh” game cards.

Pogs

Chinese Garter – Isa sa paboritong laruin ng mga batang babae. Flexibility and agility ang dalawang bagay na kailangan sa larong ito. Sinusubok dito ang tamang paggamit ng ating balance at jumping skills. May isang mahabang lastiko na hawak ang dalawang miyembro na dapat talunin ng lahat ng kasali sa laro. Habang tumatagal ang game ay tumataas din ang lastiko na siyang nagbibigay ng sense of challenge sa mga bata.

Chinese

Taguan (Hide and Seek) – Tanda niyo pa ba ang linyang “Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!?” Kung oo, nakasisiguro akong alam niyo ang larong ito. Ang “taguan” o “hide and seek” ay binubuo ng hanggang sampung manlalaro. Sa larong ito, kinakailangan ng bawat kalahok na magtago  sa kanilang “taya” at makapunta sa kanilang base nang hindi nahuhuli, kasabay ang pagsigaw nila ng “SAVE!”

Taguan

Luksong Baka (Jump Over the Cow)  – Sumikat ang larong ito noong Dekada 80 at 90. / 1980’s and 1990’s. Sa larong ito, may isang miyembro na magsisilbing taya. Yuyuko siya sa harapan ng kaniyang mga kalaro na parang isang “cow” o baka.  Dapat makatalon ang lahat ng miyembro sa taya sa abot ng kanilang makakaya. Ang susuko sa laro ang siyang susunod na taya.

Luksong Baka

Luksong Tinik (Jump Over the Thorn) – Maihahalintulad ito sa “Luksong Baka.” Ang pagkakaiba o twist lang nito ay may dalawang taya na maglalapat ang mga paa at maghahawak ang mga daliri upang makabuo ng tila isang “thorny tree” na dapat talunin ng bawat kalahok nang hindi didikit sa mga ito.

Chinese Garter

Palo Sebo – Popular ang larong ito sa mga pagdiriwang gaya ng piyesta, contest, at awarding ceremony. Malalakas na sigawan at palakpakan ang madalas nating marinig sa tuwing may mga sumasaling bata sa larong ito. Hindi kasi biro ang manalo dito. Kinakailangang marating at makuha ang flag sa tuktok ng mahabang kawayan. Habang paakyat sa kawayan, hindi maiiwasang mahulog dahil sa malangis ito. Determination, flexibility, at strategy ang tanging makakapagpanalo sa isang kalahok.

Sipa – Ang sipa o mas kilala bilang Filipino variant ng Sepak Takraw ay larong Pinoy na ginagamitan ng pamatong coin na may straw sa ibabaw. Hilig itong laruin ng mga batang lalaki dahil sa ibang klaseng sayang hatid nito sa kanila. Usong-uso noon ang naka-tsinelas lamang habang nilalaro ito hanggang sa napalitan ito ng sapatos na siyang kinagigiliwang gamitin ng mga bata ngayon.

Tumbang Preso – Gamit ang pamatong tsinelas kailangang mapatumba ang “can” o lata na nasa gitna ng iginuhit na base sa kalsada gamit ang chalk. The best itong laruin ng mga magkakapatid at magbabarkada noon at magpa-hanggang ngayon.

Ang sarap maging bata di ba? Ikaw anong larong Pinoy ang miss mo nang laruin?

Author: Krissa Marie Paña

Share This Post On

Pin It on Pinterest

Shares